Free web hosting by 100WebSpace.comfree web space|reseller hosting|web hosting|dating|report abuse|links
webhosting|WebMaster Sales Resources|website hosting|free web hosting|hosting|OpenHost
Fax to Email

Unlimited Faxes, No Fees, Dedicated Phone Number

Mobile SMS Marketing

Reach your customers at any time & place Market on a one-to-one basis.

Free Web Space + Free PHP Scripts

Free php, mysql & perl web hosting. 29 Free PHP scripts with 1-click installations.

<< Mga Babasahin << Mga Larawan << Links << Mga Bisita << Credits << Suhestiyon o Kommento

Ang Katotohanan sa likod ng ating Watawat
ni Camille Aquino

Ang watawat ng Pilipinas, ito ay unang nasilayan sa Kawit, Cavite noong Hunyo 12, 1898 nang winagayway ito ni Heneral Emilio Aguinaldo sa kanyang balkonahe ng bahay nya ng ideklara nya ang Kalayaan ng Pilipinas. Ang Watawat natin ay tinahi nina Doņa Marcela Marino de Agoncillo, ang anak niya na si Lorenza at si Mrs. Delfina Herbosa de Natividad, pamangkin ni Dr. Jose Rizal. Ang disenyo naman nito ay galing kay Heneral Aguinaldo na ibinigay sa kanila sa Hong Kong nung panahon na pinaalis siya ng Amerikano sa Pilipinas.

Ang disenyo ng watawat ay may ibig ipahiwatig ayon sa marami ang:

  • PUTI ay nagpapahiwatig ng kalinisan habang ang hugis;
  • TATSULOK ay nagpapahiwatig ng pagkapantaypantay;
  • Ang ASUL ay ang kapayapaan at pagkakaisa;
  • habang ang PULA ay katapangan ng bawat Pilipino na ipaglaban ang sariling bansa;
  • Ang ARAW naman ay ang malaking hakbang na ginawa ng mga Pilipino upang makamit ang daan patungo sa kaunlaran;
  • habang ang 8 SINAG ay ang Manila, Bulacan,Pampanga, Tarlac, Batangas, Laguna, Cavite at Nueva Ecija. Ito ay ang 8 probinsya na unang nag-aklas laban sa Espanya;
  • Ang 3 BITUIN naman ay ang Luzon, Visayas at ang Mindanao, ang 3 pangunahing pulo sa Pilpinas.

Halos lahat ng Pilipino ay ganito ang paniniwala ngunit kung titingnan sa "Act of the Declaration of Independence" ni Ambrosio Rianzares Bautista mapapansin natin ang tunay na ibig-sabihin ng ating watawat.

"And lastly, it was results unanimously that this Nation, already free and independent as of this day, must used the same flag which up to now is being used, whose designed and colored are found described in the attached drawing, the white triangle signifying the distinctive emblem of the famous Society of the "Katipunan" which by means of its blood compact inspired the masses to rise in revolution; the tree stars, signifying the three principal Islands of these Archipelago - Luzon, Mindanao, and Panay where the revolutionary movement started; the sun representing the gigantic step made by the son of the country along the path of Progress and Civilization; the eight rays, signifying the eight provinces - Manila, Cavite, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Bataan, Laguna, and Batangas - which declares themselves in a state of war as soon as the first revolt was initiated; and the colors of Blue, Red, and White, commemorating the flag of the United States of America, as a manifestation of our profound gratitude towards this Great Nation for its disinterested protection which it lent us and continues lending us."
- bahagi ng " Act of Declaration of the Philippine Independence " ni Ambrosio Rianzares Bautista
matatagpuan ang buong kopya sa http://www.msc.edu.ph/centennial/declaration.html


Makikita natin ang ilang pagkakaiba:

  Ayon sa ilang Libro Ayon sa Proclamasyon
Asul Kapayapaan pasasalamat sa Amerika
Pula Katapangan pasasalamat sa Amerika
Puti Kapayapaan pasasalamat sa Amerika
3 Bituin Luzon, Visayas, at Mindanao Luzon, Mindanao, and Panay
Araw ang malaking hakbang na ginawa ng mga Pilipino ang malaking hakbang na ginawa ng mga Pilipino
8 Sinag Manila, Bulacan, Pampanga, Cavite, Nueva Ecija, Batangas, Laguna, at Tarlac Manila, Bulacan, Pampanga, Cavite, Nueva Ecija, Batangas, Laguna, at Bataan

sa nakita ninyo alin ang paniniwalaan ninyo?

<< main